Tuesday, August 11, 2009

Moks and Krung-krung


Moks at Krung-krung, hero at sandara? hindi noh hehe nung mag bf at gf pa lang kasi kami,moks ang tawag ko at ng mga kaibigan ko sa kanya.Kasi kamukha nya si hero angeles dati, pero ngayon hero bautista na hehe joke lang bubba ko...Well ito ang kauna-unahang blog na gagawain ko at ito na rin ang huli hahaha...Malapit na kasi ang 4th year Wedding anniversary namin, at isa ito sa regalo ko sa kanya.Alam ko na sobrang matutuwa sya kasi date pa nya ako gusto gumawa ng blog..Kaya habang ginagawa ko ito naiimagine ko ang mga ngiti ni bubba..Bubba gusto kong malaman ng buong mundo kung gaano ako kapalad dahil biniyayaan ako ng Diyos ng asawang katulad mo.Maswerte ako kasi ng dahil sa iyo nagkaroon ako ng buo at bagong pamilya.Salamat sa mga magulang mo dahil alam ko at nararamdaman ko na hindi na ako iba sa kanila ramdam ko ang pagmamahal nila at sa mga kapatid mo na ubod ng lalambing.Bubba salamat sa lahat lahat,salamat sa pagmamahal mo salamat sa pag-aalaga mo,salamat sa pagintindi mo sa kin.I am so blessed and so lucky to have you in my life. .Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay,hanggang sa kabilang buhay dahil ikaw ang buhay ng buhay ko.Ang tagal kong inisip kung ano bang topic ang una kong ipopost? Wala akong ibang maisip kung hindi ikaw. Ikaw kasi ang inspiration ko sa lahat ng bagay. May mga araw na sinusubok ang ating relationship pero hindi tayo natitinag at heto parin magkasma tayo sa hirap man o sa ginhawa sa lungkot man o saya.Pangako ko sa iyo na hinding hindi kita iiwanan, at sinisiguro ko sa iyo na hanggang sa pagtanda nating dalawa ay aalagaan kita at mamahalin.Hon,bubba,weng,moks, kahit ano mang itawag ko sayo "SHERWIN AVILES CALALANG, IKAW ANG PINAKA-MAGANDANG NANGYARI SA BUHAY KO".Sabi mo nga,4 Years Down, FOREVER TO GO....I LOVE YOU SO MUCH!....